Tuesday, December 25, 2018

How Big is (Php1,000,000) One Million Philippine Pesos? Check Other Amounts Too!

How big is one million pesos?
What does one trillion pesos look like?
How big is a stack of one billion pesos?
How does 500 thousand pesos looks like visually?

Maraming tao dito sa Pilipinas ang nag-i-imagine ng mga ganyang bagay ngayon. Minumuni-muni ang pakiramdam na may hawak na malaking pera. Napakaraming tao ang pumipila sa mga Lotto outlets at umaasang mananalo ng milyon-milyong piso. Minsan ba ay naiisip mo rin ang mga bagay na ito: "Gaano ba karami ang 1 milyong piso?", "Anong hitsura ng 1 trilyong piso?", "Kasya ba sa loob ng bahay ko ang 1 bilyong piso?"

Para tulungan kang mag-visualize, sinubukan kong gumawa ng visual presentation ng ibat-ibang halaga ng pera. Gamit ang Trimble SketchUp at konting Adobe Photoshop, narito ang kinalabasan.

Php100,000.00

English: One hundred thousand pesos
Filipino: Sandaang libong piso
Ganito karami ang isang daang libong piso. Ang bundle na nasa larawan na binubuo ng 100 pirasong 1000-peso-bill.

Php500,000.00

English: Five hundred thousand pesos
Filipino: Limandaang libong piso
Madalas mo rin itong marinig bilang "kalahating milyong piso". Kaya mo itong hawakan sa isang kamay (kung malaki-laki ang kamay mo).

Php1,000,000.00

English: One million pesos
Filipino: Isang milyong piso
Ganito naman ang hitsura ng "1 million pesos" na madalas ipapremyo sa mga raffles at gameshows sa TV. Mahahawakan mo iyan ng 2 kamay, tig-Php500K bawat isa. Pwede mo ring sapuhin sa dibdib mo. Pwede rin iyang pagkasyahin sa isang brown envelope.

Php10,000,000.00

English: Ten million pesos
Filipino: Sampung milyong piso
Malaking pera na talaga ito para sa ating mga Pilipino. Mapagkakasya mo ang 10 million sa isang maleta. Mapupuno din nito ang isang katamtamang-laking paper bag. Kung titingnan sa larawan, para lang itong 2 kahon ng sapatos.

Php50,000,000.00

English: Fifty million pesos
Filipino: Limampung milyong piso
50 million pesos! Dami mo nang mabibili nito. Lupa't bahay na maganda, mga sasakyan at pwede ka pang magtayo ng pangarap mong negosyo. Kung matipid ka, pwede ka pang mamasyal sa ibang bansa.

Php100,000,000.00

English: One hundred million pesos
Filipino: Sandaang milyong piso
Para kang nanalo sa "Php1 million" raffle ng 100 beses. Obvious ba? Bukod sa magarang house and lot mo, pwede ka pang bumili ng ilang sports car.

Php500,000,000.00

English: Five hundred million pesos
Filipino: Limandaang milyong piso
Grabeng pera na ito. "Kalahating bilyong piso" na ang usapan. Kapresyo ng isang artista para lumipat mula sa isang station papunta sa kabila. Haha. Minsan, nasa ganito ding halaga ang napapanaluhan ng ilang Lotto winners. Pwede ka ring magpatayo ng bahay na kamukha ng kay Jennifer Lopez. Kasya siguro sa isang malaking tub itong halagang ito.

Php1,000,000,000.00

English: One billion pesos
Filipino: Isang bilyong piso
1 billion pesos na ito! Pwede ka nang mag-franchise ng mga nasa 20 McDonald's o Jollibee. Or pwede ka ring bumili ng isang isla. Pwede ka ring mangolekta ng mamahaling bags, mga sasakyan, paintings at iba pang gustong mong kolektahin. Kasing-bigat daw ito ng 20 sako ng bigas.

Php50,000,000,000.00

English: Fifty billion pesos
Filipino: Limampung bilyong piso
Ngayon naman, ikinahon natin yung 1 billion pesos. (1 box = Php1,000,000,000 pesos) Ganito karami ang 50 billion pesos! Makakabili ka na ng private plane, yate at iba pang magagarbong bagay na hindi mo mabibili kung 1 billion pesos lang ang pera mo.

Php100,000,000,000.00

English: One hundred billion pesos
Filipino: Sandaang bilyong piso

Php1,000,000,000,000.00

English: One trillion pesos
Filipino: Isang trilyong piso
Ganyan karami ang isang trilyong piso. Pwede ka nang mabuhay buong buhay mo ng hindi nagtatrabaho (lalo kung hindi ka naman mamimigay basta-basta ng bulto-bultong pera). Pwede kang bumili ng sarili mong isla, patayuan ng palasyo at tirhan mo buong buhay mo.

Ngayon, saan diyan sa mga picture na iyan nai-imagine mo ang sarili mo in the next 20 years?

Ang totoo, hindi masamang mangarap. Pero dapat tanggapin din natin ang realidad na kung ano lang ang meron tayo, iyon lang ang pwede nating gastusin. Maging kontento tayo sa kung anong meron tayo at tingnan ito sa positibong paraan.